
WALANG PAGTATANGI
Maraming taon na ang nakalilipas, nag-audition si Julie Landsman para maging pangunahing manunugtog ng instrumentong French horn sa New York Metropolitan Opera Orchestra. Isinagawa ng MET ang audition sa likod ng kurtina upang maiwasan ang pagkiling ng mga hurado. Magaling ang naging pagtugtog ni Landsman, at siya ang nanalo. Ngunit nang lumabas siya mula sa likod ng kurtina, lumakad papunta sa likod…

KAKAIBANG MGA LUGAR
Panginoong Dios, bakit ito nangyayari? Ito ba talaga ang plano Mo para sa amin? Ito ang paulit-ulit na tanong ko sa aking isipan habang hinaharap ko ang sinabi ng doktor na mayroon akong kanser. Bilang isang asawa at ama ng maliliit kong anak, mahirap ito para sa akin. Lalo na’t kamakailan lang, naglingkod ang aming pamilya sa isang misyon kung saan…

HANDANG MAKINIG
Mabilis ang pagtibok ng aking puso habang naghahanda akong sagutin ang mga paratang ng isang matalik na kaibigan. Taliwas sa kanyang inaakala, walang kinalaman sa kanya ang online post ko. Pero bago ako sumagot, pumikit ako at saglit na nanalangin. Doon ako kumalma. Mas naunawaan ko rin ang nais niyang sabihin, maging ang kirot sa likod ng kanyang mga salita. Doon…

PINAGANDANG BASURA
May kuwintas at pares ng hikaw na galing sa bansang Ethiopia ang asawa kong si Miska. Kitang-kita ang simpleng kagandahan nito, na nagpapakita ng tunay na sining. Pero higit sa ganda, mas nakakahanga ang kuwento sa likod ng pagkakalikha nito. Matindi ang digmaan at patuloy ang kaguluhan sa Ethiopia, kaya puno ng mga basyo ng bala ang kanilang mga lupain.…
TAMANG DAHILAN
Matagal na naming kilala si Kha. Kasama kasi siya sa aming small group sa simbahan, kung saan linggo linggo kaming nagkikita upang talakayin ang mga natutunan namin tungkol sa Dios. Isang gabi, nabanggit niya nang pahapyaw na minsan na siyang lumaban sa Olympics. Sa sobrang kaswal ng pagkakabanggit, muntik ko na itong hindi mapansin. Pero nang malinawan ako, napagtanto kong kaibigan…
